Wednesday, January 20, 2016

PAANO?

Paano mo pupunan kung sadyang 
malalim at malaki ang puwang 
na naiwan? 

Paanong magsisimulang muli? 
Paano muling ngingiti?

Paano muling sisigla
kung ang saya sa
iyong mga mata ay 
'di na kailan man makikita?

Paanong muling sasayaw?
Paano muling kakanta?

Paano mo muling masasabi 

na kay ganda ng umaga?

Kung ang tanging pag-aalayan
ng pagsinta ay
wala na?